Dakilang Pagmamahal
Lahat
tayo ay ipinanganak sa mundo upang magmahal at mahalin. Sabi nga nila, ang
pagmamahal ang nagdudugtong sa lahat ng tao sa mundo, hindi nito kinakailangan
ng ano mang salita o lenggwahe upang maiparamdam mo sa isang tao ang iyong
pag-mamahal. Maraming klase ng pagmamahal, pagmamahal sa kapwa, sa kaibigan, sa
karelasyon, sa kapamilya. Ngunit para sakin, sa lahat ng pagmamahal ay may isang
nangingibabaw.
Sa
buhay natin ay may dalawang layunin ng tao, ang iba ay ang mga dadaan lamang
upang maturuan ka, at ang iba naman ay mamahalin ka ng lubusan, sila ang pangalawang klase. Sila ang tipo ng tao na isasakripisyo
ang lahat para saiyo, sila ang taong handing
sunugin ang sarili nila sa apoy huwag ka lamang lamigin, sila ang taong kayang isakripisyo ang sarili nilang kasiyahan upang
hindi ka malungkot, sila ang taong hahayaan ang sarili nila na humangos mapunasan
lamang ang luha mo. Lagi nalang tayo ang kanilang iniisip, kaya minsan hindi na
nila na aalagaan ang kanilang sarili. Ngunit kahit mahirap, gagawin patin nila
ang lahat para tayo ay mapabuti. Sila... Sila ang mga taong dapat nating
mahalin ng totoo at lubos.
Nang
minsa’y natanong nya ako kung ano ang gagawin ko kapag nawala na sya,
napatahimik ako at napaisip. Ano ng ba? Buong buhay ko sakanya na ako
nakasandal. Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata, at sinabi na malulungkot ako
at masasaktan. Napangiti sya sagot ko at sya namang pagbalik ko sa tanong nya
sakin. Napatigil sya sakanyang pag ngiti dahil sa tanong ko. Tumitig sya sa
aking mga mata at sinabing “Siguro’y hindi ko kakayanin kung mawawala ka…
kayo.. Hindi ko alam, siguro masisiraan nalang ako ng bait.”
Napatahimik ako… napatahimik ako at sabay na nangilid ang aking luha. Kung
ikukumpara ang pagmamahal ko sakanya ay ni-kalahati ay hindi ito aabot. Kung
ikukumpara ko lahat ng hirap at pagpapakasakit nya sa akin ay walang-wala ito.
Minsan,
Gusto ko nalang sanang sabihin sakanya na hindi kami karapat-dapat sa lahat ng
sakripisyo at paghihirap nya, ngunit alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay
alam ko naming hindi sya titigil dito. ‘Selfless’ iyan ang isang salita na
naglalarawan sa buong pagkatao nya, ngunit ito ring katangian na ito ang naging
dahilan upang mahalin ko sya ng lubusan. Simula pagkabata, hanggang sa paglaki,
sya na ang nandyan para saatin.
Kaya’t
hanggang nadyan sila, iparamdam nyo ang pagmamahal nyo sakanila, katulad ng
pagmamahal nila sainyo, katulad ng pag-aaruga nila sainyo. Kung gaano sya hindi
nag-sawa sa pag-aaruga, pagiintindi, pagtuturo at pagmamahal nya saiyo, sana’y
ganon ka rin hindi magsawa na alagaan at
mahalin sya. Lumilipas ang oras, lumalaki tayo. Ngunit hindi natin namamalayan
na sa pagiging okupado natin sa ating paglaki ay tumatanda na sila.. ang mga
taong tunay na nagmamahal sainyo.
Ang
kanilang pagmamahal ay hindi matutumbasan ng kahit ano pa man, hindi
mapapalitan ng kahit anong kayaman at maasahan mo noon, ngayon at magpakailan
pa man. Dakilang pag-ibig kung aking ilalarawan… dakilang pag-ibig ng isang
Ina.