Nagmamahal, Maria Clara
Isang tula na
isinulat nina Randall Bruce Samson and Princess Reymie Mangilit
Minsan napapaisip na
lang ako kung bakit ganon
Bakit ang mga taong
mahal pa natin ang nawawala sa piling natin.
Kung bakit kung
kanino tayo napapalapit
Sakanila din tayo
inilalayo.
Sadyang
mapaglaro,
Masasakit
na mga biro,
Tumatagos
sa aking puso
Dahilan
kung bakit ako ngayon ay bigo.
Pinaglaruan,
sinaktan.
Hindi
ng nino man,
Tadhana
naman!
Ang
awa mo’y nasaan?
Bakit
mo pa kami pinagtagpo,
Kung
kami rin pala’y maglalayo.
Bakit
mo pa hinayaang ibigin ko sya
Kung
kami rin pala’y hindi mo hahayaang maging isa?
Mga
alala naming dalawa’y hindi ko makalimutan
Sa
araw araw nap ag gising ko, iyan ang aking pinanghuhugutan.
Ang
aking pinakamamahal na pinagramot saakin ng tadahana,
Mga
pangakong kaming dalawa’y haharap sa dambana
Mga
alala nating dalawa’y laging bumabalik sa aking isipan.
Mga
haplos mo, mga yakap mo.
Nakakabaliw
na isipin
Dahil
ngayon ay wala ka na saakin
Lahat
ng mga plano natin,
Lahat
ng ala ala natin,
Lahat
ng pinagsamahan natin,
Wala
akong ibang masabi kung hindi sayang
Sayang,
sayang at wala ka na ngayon
Sayang
at hindi na natin natuloy ang daapat nating ituloy
Sayang,
saying lang ang mga ala ala, mga pangako
Sayang
lang ang pagibig nating dalawa.
Masasabi
kong ikaw ay prinsipe,
Ngunit
ako ay hindi nakalaan para maging iyong prinsesa.
At
ang buhay na kinabubuhayan natin ay kailanman hindi magiging istorya.
Nandito
na lamang ako, umiiyak nagpipighati
Pilit
pa ring hinahanap mga tingin mo at ngiti
Sa
bawat segundo, minute puso ko’y nahahati.
Mahal
naman,
Lahat
ng pangako natiing sinumpaan
Ngayon
ay nasaan?
Ngayon
ay heto ako at iyong iniwan
Aking
pinakamamahal, kung nasaan ka man ngayon
Sanay
hindi mo makalimutan mga pangako na naglaon.
Sumpang
pagmamahalan, na sadyang hinadlangan
Ng
oras, ng panahon, ng mga tao, ng tadhana.
Kung
ako’y magpapaatotoo,
Aaminin
kong ikaw pa rin ang nasa puso ko,
Ngunit
anong magagawa ko?
Tila
kahit lumaban pa ako
Ay
hindi ako mananalo
Kaya’t
sa susunod nating buhay
Nawa’y
ika’y matagpuan muli,
Upang
maipagpatuloy natin,
Naudlot
na pag ibig.
At
kung magkakatotoo nga ang aking sinambit..
Sa
panahong iyon ay di ko na hahayaan
Na
mawala ka, na ilayo ka s, na paghiwalayin tayong dalawa.
Kahit
na ang tadhana, oras at panahon pa ang humadlang.
Ngunit
kung hindi naman,
Ay
tatanggapin ko na lamang.
Baka
ito nga ang tama,
Siguroy
kailangan na nating tanggapin na tayo’y pinagtagpo
Ngunit
di kalian man itinadhana.
Lagi
mong alalahanin Ibarra ko, ikaw pa rin ang nasa puso ko.
Nagmamahal,
Maria Clara mo.