Di Malilimutan


Di Malilimutan

nina Kim Azarcon at Kevin Valerio

Napakaraming kaisipan
Ang aking natunghayan
Sa isinulat na nobela
Ni Dr. Jose Rizal

Ako'y lubos na humahanga
Sa kanyang inilathala
Dahil ito'y naging inspirasyon
Sa lahat ng mamamayan

Napakaraming tauhan
Ang tumatak sa aking isipan
Ngunit si Sisa ang aking
Pinakahinahangaan

Lagi siyang nandiyan 
Upang anak ay gabayan
Iwinawasto ang ugali
At 'di pinapanigan ang mali

Hindi naging hadlang
Ang iresponsableng katuwang
Upang anak ay mapangalagaan
At maging mabuting mamamayan

Kaya't sa dulo ng aking pagbabasa
Ay nagulat akong natapos ko na pala
Ang isang nobelang napaka ganda
At ito'y maalala sa tuwi-tuwina.

Maraming natutunan
Mga aral na hindi ko malilimutan
Sa pagbasa ng Noli Me Tangere
Ay talaga namang hindi mawawala saking puso't isipan.