Tayo, Ang Makabagong Ibarra

Tayo, Ang Makabagong Ibarra.

Nina Lara Ysabelle Dela Cruz &Jaymie Manzano

"Larawang Guhit ni Crisostomo Ibarra"


Nabuhay sa mundo upang mangarap
At abutin ang mga nais natin
Lahat ng pagsubok sa buhay ay kayang harapin
Makamit lamang ang buhay na pinapangarap

Kabataang punong-puno ng pangarap sa buhay
Mga pangarap na handang abutin ng tunay
Mapasaya lamang ang mga taong nagmamahal sa kanya
Katulad na lamang ni Juan Crisostomo Ibarra

Ang tunay na pangarap sa buhay
Ay ang ating magiging tulay
Upang mapabuti ang mga mamamayan
At ang ating Inang Bayan

Tulad din ng kabataan
Ang pangarap ni Ibarra
Ang nais lang ay kabutihan
Para sa mga mamamayan

Nagpatayo ng paaralan
Hustisya para sa kanyang ama
Isa sa mga pangarap niya
Tulad din ng bawat kabataan

Animo'y naglalakbay
Sakanyang tagumpay
Para sa kapayapaan
Kanyang pinaghuhusay

Bawat isa ay may pangarap
Ni hindi kumukurap
Sa mga taong sumasakop
Sa kanilang mga kanya kanyang hangarin

Hindi lingid sa kaalaman ng iba
Tayo at si Ibarra ay naiiba
Bagamat di pa ito nakikita
Dahan dahan nating ipadadama.