Ang tunay na Elias
Minsan
akala natin ay kaya na nating tumayo sa sarili nating paa, na kaya nati na
mag-isa nalang. Oo, madaling isipin na hindi mo kailangan ng tulong, madaling
isipin na kaya mo ng mag isa ngunit sa katotohanan ay napaka hirap na lumakad
ng wala kang kasama.
Nangangapa
sa dilim, hindi mo alam ang iyong tatahakin, sa dami ng daan saan ka nga ba pupunta?
Sa dami ng direksyon, saan ka ng aba paparoon?
Sa dami ng iyong pagdadaanan saan ka ng aba mapapadpad? Ilang beses ka na bang
lumuha? Ilang beses ka na bang nadapa? Ilang beses mo na bang pinilit na ituloy
ang yong paglalakbay ng mag isa? Ilang beses ka na rin bang nabigo?
Ilang beses
at ilang beses pa? Ilang beses pa bang madadapa ka bago ka matauhan na hindi ka
nagiisa? Na noong panahong nangangapa ka sa dilim ay maliwanag ngunit hindi mo
ito pinapansin, na noong naliligaw ka ay pilit nyang iniaabot sayo ang mapa
ngunit ayaw mong tanggapin, na noong lumuluha ka ay sya ang nagmistulang pader
at panyo mo. Na kung ilang beses kang nadapa ay ganong beses din kitang
tinulungan bumangon.
Siya
ang iyong kasama sa kasiyahan, sa kalungkutan, sa mga drama at mga tawa. Sya
ang una mong takbuhan sa tuwing ika’y nasasaktan, ang syang natitira tuwing
lahat ay iniiwan ka. Sa tuwing may laban ka ay lalaban kayong dalawa, sa tuwing
nawawala ka ay lagi kang may kasama. Di sya mawawala sa piling mo, dumaan man
ang mga bagyo, di sya mawawalay sa’yo.
Ngunit
parang nakalimutan mo na sya, parang nakalimutan mo ng nandito pa sya.
Nasasaktan sya tuwing sinasabi mong mag-isa ka sa paglalakbay mo. Parang hindi
ka na naniniwala sakanya. Nagulat ka ng unti unting nagliwanag ang madilim mong
landas, Lahat ng maling daan at landas ay nawala, lahat ng sakit, luha, pagod
ay naglaho, saya at tuwa nalamang ang natitira. Napangiti ako. Sa wakas ay
nakita mo na ko. Sa wakas ay naniwala ka
na muli sakanya.
At sa
huli napagtanto mo ang lahat. Na walang tao ang kayang mabuhay mag-isa, Na
walang tao ang kayang mabuhay ng wala ang tulong ng iba at laging may tao na
handa kang tanggapin sino at ano ka man, na may taong laging nandyan sa tuwing
kailangan mo ng karamay, na may taong kayang intindihin ka, na may tao na kaya
kang mahalin bilang isang tunay na kaibigan. At napangiti ka… napangiti ka at
nasayahan dahil alam mong hindi ka na maglalakbay pang mag-isa, dahil alam mong
hindi mo na kailangang mangapa sa dilim, na hindi ka na maliligaw pa, na may
tutulong sayo sa tuwing lumuluha at nadadapa ka… Napangiti ka at napatingin kay Hesus, na syang naging ilaw mo,
sandalan mo at mapa mo. Napatanong ka nalang sakanya “Nasaan kaya ako, Hesus
kung wala ka?” Napangiti ka nanaman dahil alam mong may isa kang kaibigan na
hindi ka iiwan at sya Ang tunay na Elias
ng lahat.